The Call...  

Saturday, September 27, 2008


psst... ikaw nga. bago mo ako daanan at ilipat ang pahinang ito, bakit ba hindi mo subukan akong basahin? Wala namanitong bayad. Hindi rin naman siguro kabawasan sa iyong oras mo. Maano ba kung maupo ka muna sandali atako'y pagnilayan. Kung ako'y itatabi sa isang pocket book, marahil ay iyon ang una mong dadamputin. Mas interesado ka siguro sa mga istoryang tungkol sa pag-ibig. Huwag kang mag-alala dahil ako naman ay isa ring nobela. Pag-ibig din na tulad ng iyong nais-pag-obig sa kapwa, sa ina, sa kalikasan at sa kaaway, dahil ang pag-ibig ay hindi mo pwedeng ikahon lamang sa dalawang taong nagmamahalan. Ano? Boring? Gusto mo yung nakakakilig at may thrill?
Ayaw mo bang malaman ang aking paglalakbay, ang maga "advantures" ika nga na aking nalampasan? Ayaw mo Bang ako'y magsilbing inspirasyon sa 'yo? Konying sandali lamang ang hinihiling ko. Konting pansin. Hindi ko hinihingi ang lahat ng yong atensyon. Sapat na sa isang araw man lang ay basahin mo kahet unag pahina man lang. Pero kung tumunog ang cellphone mo, malamang una mong babasahin ang message, mas nakakakilig kasing basahin ang text ng nililigawan mo, o nanaliligaw sayo. Pero may mapupulot ka bang aral? Wala!!!Puro yan kapritso lang ng katawan, ang mamahalin hindi hinahanap, hindi rin hinihintay. Lahat ng bagay ay may panahon., Wg tayong magmamadali sa mga bagay bagay. Tulad ko hindi ko hinihiling na tapusin mo lahat agad ang pagababasa sa akin dahil ako'y naririto lamang, naghihintay na iyong mapansin, mabigyan ng kaunting atensyon. Dahil luma man ako o bago, iisa lang ang aking hangad, ang mapabuti ang iyong kaluluwa at pagkatao. O, tingnan mo't ako'y nagdaramdam dahil saka mi lang ako hinahawakan, binubuklat sa tuwing aka'y may problema. OO, totoo yan!!! Wag mong sabihing hindi. Kapag hindi mo na kaya saka mo lang ako naiisip. Wag namang ganyan, "Unfair,eh" pero bakit hindi mo subuking sukatin ang aking nilalaman, walang mawawala, walang mababawas sa iyong kaalaman... madadagdagan pa nga........

AddThis Social Bookmark Button


1 comments: to “ The Call...

Design by Amanda @ Blogger Buster